Magkapatid na Wanted sa Batas, Arestado

Cauayan City, Isabela- Bumagsak na sa kamay ng mga otoridad ang magkapatid na Top 1 at Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Aurora, Isabela.
Nakilala ang magkapatid na sina Dexter Gregorio at Eduardo Gregorio, kapwa nasa hustong edad at mga residente ng Brgy. 4, San Mateo, Isabela.
Naaresto ang mga suspek sa pinagtataguang lugar sa bayan ng Maddela, Quirino matapos isilbi sa mga ito ang Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela na may petsang Oktubre 3, 2017 para sa kasong Pagpatay.
Wala namang inirekomendang pyansa ang korte para sana sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang magkapatid para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments