Naantig ang damdamin ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto sa kabaitan ng dalawang bata na magkapatid makaraang dinonate ang kanilang inipon na barya sa alkansiya para sa kanilang mga ka-barangay na mahihirap na residente ng Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.
Ayon kay Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto, nag-text umano sa kanya ang dalawang magkapatid na sina Uan at RJ may edad na 6 at 14 anyos residente ng Village East Executive Homes, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal at sinabing may ipon daw sila sa alkansya pagkatapos ay nakiusap kung pwede daw na padaanan ng mga tauhan ng alkalde sa kanilang bahay sa Village East ang tulong nila kung mayroong kalakip sulat.
Paliwanag ng alklade, matagal na umano nilang inipon sa alkansiya ang naturang mga barya na hindi naman tinukoy ni Mayor Nieto sa kanyang Facebook page kung magkano ang kabuuang naipon ng magkapatid.
Umaasa si Mayor Nieto na tuluran din ito ng iba pang mga bata at mga matatanda ang ginawang kabutihan ng magkapatid na nag-donate ng kanilang mga inipon sa alkalnsiya para sa mga mahihirap na kanilang mga ka-barangay na mayroong tunay malasakit sa kanilang kapwa.