Magkapatid nagsaksakan dahil sa tinapay sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Nang dahil sa tinapay, napatay sa saksak ng 19 anyos na si John Paul Cincua ang kaniyang sariling kapatid na menor de edad sa Tondo, Maynila.

Naisugod pa ang 17 anyos na si Jerome Cincua sa Gat Andres Bonifacio Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Tumakas naman ang kanyang 19 anyos na kapatid John Paul Cincua.


Sa Report ng Manila Police District Homicide Division, kumakain sa kanilang bahay si John Paul sa Gate 8 Pier 2.

Bumaba ito mula sa ikalawang palapag at biglang kinuha ang tinapay sa plato ng kanyang kapatid.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa at bigla na lang kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak sa balikat ang biktima.

Hindi ito ang unang beses na nagtalo ang dalawa dahil madalas silang marinig ng mga residente na nag-aaway.

Facebook Comments