Magkapatid, Patay Matapos Makuryente!

*Naguilian, Isabela-* Patay ang dalawang magkapatid matapos makuryente kahapon partikular sa compound ng isang simbahan sa Brgy. Minanga, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Dennis Galiza Dagman, 21 anyos, binata, ministro, at Mark Rendy Galiza Dagman, 18 anyos, estudyante at kapwa residente ng Brgy. Manaring, Naguilian, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan sa Chief of Police ng PNP Naguilian na si Charlie Capuchino, nangingitim na ng madatnan ng kanilang pinsan na si Mark Benidict Topinio ang katawan ng dalawang magkapatid na nakahandusay at nakadikit ang mga paa sa isang tubo na naka-konekta sa live electric wire.


Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Naguilian na habang nag-aayos ng Electric water pump ang magkapatid ay maaring hindi nila napansin na may open wire na nakadikit sa tubo na nasa basang damuhan na sanhi ng kanilang pagkakuryente.

Una aniyang nakuryente si Dennis Dagman at maaring sinaklolohan lamang ng nakababatang kapatid nito na si Mark Rendy.

Dinala na sa Carbonel Funeral Home ang mga labi ng magkapatid para sa post mortem examination.

Facebook Comments