Magkapatid pinagsasaksak ng magtalo sa sugal sa Makilala North Cotabato

56

Naging masaklap ang sinapit ng magkapatid ng pagsasaksakin sa isang lamay sa Sitio Poso, Brgy. Sinkatulan, sa bayan ng Makilala, sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang mga sugatang biktima na sina Rex Ricablanca Piloreana, 37-anyos at Richard Piloreana, 25 anyos , pawang nakatira sa bayan ng Tulunan, sa North Cotabato.
Sa report ay nagkainitan ang mga biktima at di tinukoy na suspect sa kasagsagan ng paglalaro ng ‘hantak’ sa isang lamay sa nasabing lugar.
Nagkapikunan umano ang suspek at ang magkapatid na Piloreana hanggang sa nagtalo ang mga ito.
Agad na kinuha ng suspek ang kutsilyo at pinagsasaksak ang magkapatid.
Mabilis ding isinugod sa Makilala Medical Specialist ang dalawang magkapatid na nilalapatan ng lunas.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments