Magkapatid, timbog dahil sa mapanirang post at komento sa social media

Pinaalalahanan ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP-ACG) ang mga kabataan na maging maingat sa pagpo-post at komento sa social media.

Ito ang inihayag ni PNP-ACG Director BGen. Joel Doria makaraang maaresto ang magkapatid sa Cebu City dahil sa mga mapanirang komento at post.

Kinilala ni Doria ang mga naaresto na sina Lyka Amoro Sumalinog at kapatid nitong si Gabrielle na kapwa residente ng Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu.


Inaresto ang magkapatid sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Lapu-Lapu City 7th Judicial Region, Branch 27 sa kasong Cyber Libel matapos mag-post ng mga mapanirang akusasyon laban sa sarili nilang ina.

Babala ng PNP, anumang mapanirang akusasyon o komento sa social media lalo na’t napatunayang hindi totoo ay may katapat na parusa sa ilalim ng batas.

Facebook Comments