Magkasintahan, huli sa pagbebenta ng mga rehistradong sim cards

Arestado ang magkasintahan matapos maaresto ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) dahil sa ilegal na pagbebenta ng 1,000 rehistradong SIM cards.

Sa ikinasang operasyon sa Imus, Cavite nasakote ang dalawang suspek na nahuling nag-aalok ng mga SIM cards sa halagang P20,000.

Ayon kay PNP ACG Director PBGen. Bernard Yang, mahigpit na ipinagbabawal ang bentahan ng rehistradong SIM cards dahil maaari itong magamit sa iba’t ibang cybercrime gaya ng online scamming.

Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa SIM Registration Act of 2022 at Cybercrime Prevention Act of 2012.

Facebook Comments