MAGKASINTAHAN MULA SA MANGALDAN, SABAY NA NAGTAPOS SA PAREHONG KURSO SA KOLEHIYO

Kahanga hanga ang ipinakitang dedikasyon ng magkasintahang tubong Mangaldan na si Dexter Zambale at Marianne Liz Juanatas sa kanilang pagtatapos sa kolehiyo sa isang unibersidad sa Baguio nito lamang nakaraang linggo.
Nagtapos ang magkasintahan sa parehong kursong Bachelor of Science in Mathematics at magka-partner din sa kanilang undergraduate thesis.
Hindi lang yan mga Idol, dahil partner din sila sa pagnenegosyo ng kanilang clothing line bilang pangtustos sa kanilang pag-aaral at paraan pagtulong sa kanilang pamilya.

Naging mabigat man ang kanilang obligasyon, nagsilbing inspirasyon nila ang kanilang relasyon sa pagtatapos sa kolehiyo at pag-abot ng kanilang pangarap ng sabay.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ito sa mga kabataan na kahit may karelasyon ay marunong pa rin balansehen ang oras at prayoridad sa buhay. |ifmnews
Facebook Comments