Magkasintahan na naglalagay ng ‘D-I-Y’ braces – arestado

Tondo, Manila – Arestado ang magkasintahan na nagkakabit ng tinatawag na ‘Do-It-Yourself’ o D-I-Y braces sa Tondo, Maynila.

Sa ikinasang operasyon, naaktuhan ang dalawang hindi lisensyadong dentista habang nagkakabit ng brace sa nakahigang paseyente.

Ayon kay Dr. Ariel Go ng Phil. Dental Association (PDA) – sa isang ordinaryong kwarto ginagawa ng babae at lalaking suspek ang pagkakabit ng brace sa kanilang mga customer.


Giit ng lalaking suspek – sa internet lang nila natutunan kung paano magkabit ng braces.

Paalala naman ni NBI Special Task Force Chief Moises Tamayo – mga lehitimong dentista lamang ang maaring maglagay ng mga braces.

Sasampahan ng paglabag sa Philippine Dental Act of 2007 ang mga suspek.

Facebook Comments