Naiulat na apat na buwang buntis ang babaeng tinangkang iligtas ng kanyang nobyo ngunit sa kasamang-palad ay pareho silang nasawi nito lamang ika-6 ng Oktubre alas-2:30 p.m. sa Zambujeiro do Mar beach sa Portugal.
Kinilala ang mga biktima na sina Kim Fietcher, 33, ina ng kanyang dalawang anak at ang fiance nito na si Danny Johnson, 34.
Una nang naireport na sinubukang sagipin ni Danny ang kasintahan nang makita nitong nalulunod ang nobya.
Sinubukan pang tulungan at i-revive ng mga nakakitang surfers ang magkasintahan ngunit namatay ang dalawa.
Nagbahagi ng salaysay ang pinsan ni Danny na si Bobby Johnson, kung saan isinaad nito kung gaano karami ang naituro ng pinsan sa kanya habang siya ay lumalaki.
Saad niya, “Danny and Kim had been together for many years and they were honestly two of the most warm hearted people I’ve ever known. It’s absolutely heartbreaking hearing the news. It’s devastated the whole family and local community.”
Dagdag pa niya, malaki raw ang impact ng magkasintahan sa buhay ng maraming tao.
“Whenever i was going through a tough time, Danny would always be there to guide me and help me find clarity,” aniya.
Hindi raw kailanman malilimutan ni Bobby ang mga ala-ala kasama ang pinsan gaya ng paglalaro ng football at basketball.
Ayon sa ulat, mababait at spiritual couple ang dalawa.
Si Kim ay isang yoga teacher at sa katunayan pa ay nagtayo ng meditation workshop ang dalawa para tulungan ang mga taong gaya nila na masaya sa kanilang ginagawa at pinagkakaabalahan.
Pahayag naman ng isa sa kanilang mga kaibigan, si Steph Critchlow, inilarawan niya ang magkasintahan bilang ‘2 beautiful souls, full of love’.
Sinabi niya, “Kim and Danny, 2 beautiful souls, so full of gratitude and salt of the earth. I’m blessed to have known them.”
Punong-puno raw ng pagmamahal ang magkasintahan maging ang ibinibigay nila umano sa kanilang mga mahal sa buhay.
“In a world full of darkness, Kim and Danny found the light, they were the light and together they shone and everybody knew of it. Their love for each other was so strong,” dagdag pa niya.
Samantala, sa facebook post ni Kim bago ang insidente sinabi nito, “We must never wait to begin anything at all. Start where you are. Tomorrow never comes. Time waits for no one. Make it yours… today.”
Bago pa man sila pumunta ng Portugal ay nakapagpost pa si Kim at sinabing hindi na umano niya mahintay ang sikat ng araw ng naturang lugar.
Bukod sa pagiging abala sa yoga at meditation, kilala rin si Danny sa pangalang ‘Abhaya the Author’ at inilalarawan ang kanyang sarili bilang author, rapper, poet, at public speaker.
Sabi niya sa kanyang facebook post, “It’s a mixed bunch of talents, I know, but I wanted to bring them all together in one place to assist and help anybody on their own journey of personal and spiritual growth.”
Sinasabi ring si Danny ay isang adviser sa mga taong may mga pinagdadaanan sa buhay.
HIndi rin makakalimutan ng isang kaibigan ang sinabi niya noon na, “It’s a battle that we all face. The funny thing is that those that we are trying to find acceptance from are more than likely craving acceptance from us also.”
Samantala, marami ang nagdalamhati sa trahedyang nangyari at bilang tulong ay nagsagawa ng fundraising page ang kanilang mga kaibigan para sa funeral costs at pagpapalibing sa kanila gayundin bilang tulong para sa kanilang mga anak.