Magkasunod na lindol sa Mindanao, pinakamalakas bago matapos ang taon – PHIVOLCS

Pinakamalakas na lindol na naganap sa bansa ang magkasunod na pagyanig sa Mindanao, na naramdaman sa Surigao del Sur na nasa 7.4 magnitude na sumentro sa Hinatuan, Surigao del Sur at 6.8 magnitude na sumentro sa Cagwait, Surigao del Sur.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang dalawang magkasunod na lindol ay nagdulot ng malaking pinsala sa mga tao at kapaligiran.

Nilinaw naman ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, na ang naganap na pagyanig ay hindi naman simula para magkaroon ng isang ‘Big One’.


Aniya, nagkataon lamang na nagkakaroon ng magkakasunod na lindol.

Facebook Comments