Manila, Philippines – Itinuturing ng Malacañang na isangpagkilala sa kakayahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magkasunod na pagtawagsa kanya nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – angpagtawag nina trump at Xi ay nagpapakita na may tiwala sila kay PangulongDuterte.
Una nang sinabi ng Pangulong Duterte sa pagdalo sa 27thmid-year convention ng Philippine Orthopedic Association kahapon na noongtumawag si Trump matapos ang ASEAN Leaders’ Summit ay naki-usap ito kung maariniyang tawagan at kumbinsihin si Xi Jinping na gumawa ng hakbang hinggil kay NorthKorean Leader Kim Jong-Un kaugnay sa tensyon sa Korean Peninsula.
Hindi pa naman daw maidetalye ni Pangulong Duterte anglahat ng kanilang napa-usapan ni Xi hangga’t hindi pa nito nakakausap uli si Trump.
Handa naman ang pangulo na isapubliko ang buong telephoneconversation niya kina Trump at Xi dahil ‘recorded’ naman lahat at alam ito ng WhiteHouse.
Magkasunod na pagtawag nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping, itinuturing ng Malacañang na pagkilala sa kakayahan ni P-Duterte
Facebook Comments