Dalawang magkasunod na insidente ng sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) Binmaley sa nakalipas na dalawang araw.
Ayon sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay BFP Binmaley Fire Senior Inspector Ciara Ley Capule, pawang mga residential areas ang naitalang sunog sa Barangay Sta. Rosa at kahapon lamang ay sa Barangay Calit.
Ang mga biktima ng sunog sa Brgy. Calit, pinaniniwalaan ng mga biktima ng sunog na maaaring ang laptop o ang pinaglutuang kahoy ang posibleng pinagmulan umano ng sunog.
Ani Capule, kung ikukumpara umano noong nakaraang taon, grassfires naman ang kadalasang pinagmulan ng mga naiulat na sunog noong nakaraang taon.
Muling nagpaalala ang tanggapan sa mga kinakailangang gawin upang makaiwas sa sunog.
Samantala, sa tala ng ahensya, umabot sa sampu ang bilang ng mga fire incidents na naganap noong taong 2024.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay sa mga naitalang sunog sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨