Manila, Philippines – Hinamon ng Department of Tourism ang ilang tutol sa 60-day moratorium ng mga operasyon ng mga establisyimento sa Boracay na maglabas ng kanilang sariling plano.
Ayon kay Tourism Asec. Ricky Alegre, gusto nilang makita ang position paper para malaman ang kanilang dahilan ng pagtutol at malaman din ang gusto nilang maging solusyon sa problema sa Boracay.
Nabatid na humiling ang Philippine Travel Agency Association of the Philippines sa gobyerno na huwag munang ipatupad ang pagsasara ng isla.
Una nang sinabi ni Tourism Sec. Wanda Teo na gusto niyang maglabas ng moratorium sa tag-ulan kung saan kakaunti lang ang dumadayong turista sa Boracay.
Facebook Comments