Manila, Philippines – Nagsasagawa ang Department of Justice ng re-evaluation sa immigration lookout bulletin orders na kanilang inisyu bago lumabas ang ruling ng Korte Suprema.
Partikular ang Supreme Court ruling na nagsasabing walang kapangyarihan ang DOJ na humarang sa departures ng mga pasahero dahil ang korte lamang ang may ganitong kapangyarihan.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra , magpapalabas sila ng bagong department order pagkatapos ng kanilang pag-aaral sa umiiral na ILBOs.
Kabilang sa mga nasa ilalim ngayon ng immigration lookout bulletin order ng DOJ sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health sec. Janette Garin, at dating budget sec. Florencio Abad na pawang nahaharap sa kasong kriminal kaugnay ng Dengvaxia case controversy.
Magugunitang maraming pasaherong nasa ILBO ang na-offload at hindi pinayagan ng Bureau of Immigration na makalabas ng bansa.