Maglalako sa Echague Isabela, Pinagbabaril ng Riding-In-Tandem-Patay!

5748

Echague, Isabela – Pinagbabaril ng riding in tandem kagabi ang isang nagtitinda ng street food (tokong) sa Brgy. Tuguegarao, Echague, Isabela.


Kinilala ang biktima na si Dexter Andaya, tatlumpu’t anim na taong gulang, walang asawa at residente ng Gapusan Village, Brgy. Tuguegarao, Echague, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Echague, pauwi na ang biktima na sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kaniyang helper na si John Kelvin Timbreza nang biglang sumulpot sa kanilang likuran ang mga suspek at pinagbabaril lamang ang biktima samantalang tumakbo naman si Timbreza pagkatapos ng pangyayari.

Sa naging pagsisiyasat ng SOCO team ay narekober sa pinagyarihan ng krimen ang basyo ng bala ng caliber 45.

Nagsasagawa ng kaukulang imbestigasyon ang PNP Echague kaugnay sa motibo ng pagpatay at tinutugis na ang posibleng mga suspek.

Facebook Comments