Maglive-in Partner, Huli sa Pagbebenta ng Milyong halaga ng Marijuana

Cauayan City, Isabela-Umaabot sa P1.8 milyon na halaga ng marijuana hashish ang kinumpiska ng mga awtoridad sa maglive-in partner matapos ang ikinasang drug buy-bust operation kagabi sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na si Teody Tumolva, 40-anyos, at Mary Jane Manalo, 32-anyos na kapwa fish vendors at tobacco planters na residente ng Rang-Ay, Cabatuan, Isabela.

Naaktuhan umano ang mga suspek na nagbebenta ng dalawang piraso ng pakete ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at tumitimbang ng 10 grams na nagkakahalaga ng P1,200 matapos magpanggap ang isang operatiba na poseur buyer.


Nakumpiska kay Tumolva ang isang 9mm revolver black widow na may isang bala; apat na piraso ng 9mm live ammo; at isang sling bag, motorsiklo at anim pang bloke ng marijuana na tumitimbang ng 600 grams na nagkakahalaga ng P1.8 milyon at isang pang pakete ng marijuana na tumitimbang naman ng 5 grams habang kinumpiska naman kay Manalo ang isang wallet na naglalaman ng P4,480, cellphone.

Nahaharap ang maglive-in partner sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 20021 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments