Maglive-in partner, patay matapos tumangging makipag-inuman sa Dasmariñas, Cavite

Dasmariñas, Cavite – Patay ang mag-live in partner matapos na tumangging maki­pag-inuman ang la­laki sa Brgy. Burol 3, Dasmariñas, Cavite.
Kinilala ang mga bitkima na sina Rodel Berce at ka-live in na si Rosalina Cortez.
Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Isma Redondo at isang babae na hinihinalang karelas­yon nitong alias “Anne”.
Sa ulat nagalit ang suspek nang tumangging makipag-inuman ang lalaking biktima kaya’t agad niya itong pinagbabaril gamit ang shotgun habang nasa gitna sila ng alitan.
Nakita naman ni Cortez ang insidente kaya’t nagtatakbo ito para tumakas, subalit hinabol siya ng suspek at nang maabutan ay inundayan ito ng sunud-sunod na saksak.

Facebook Comments