Maglive-in partner pinagbabaril, patay sa QC

Manila, Philippines – Patay ang mag live in partner matapos na pagbabarilin ng mga kalalakihan na naka bonnet sa Bagong Silang Quezon City.
 
Kinilala ang mga biktima na sina Aris Sanchez at Gina Cepeda residente ng Eagle Street Area 6,Veterance QC.
 
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, mag-aalas siyete ng gabi kagabi  nang pasukin ng mga nakabonet na lalaki ang bahay ng mga biktima sa Eagle Street, Area 6,  Sitio Veterans. at walang kaabog na pinagbabaril sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan na agad ikinamatay ng dalawa.
 
Napag-alaman na nagluluto na umano  ng hapunan ang maglive-in partner  nang pagbabarilin sila ng mga hindi nakilalang suspek na tumakas sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.
 
Bukod sa mga basyo ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril. Narekober din sa pinangyarihan ng krimen  ang ilang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
 
Batay naman sa salaysay ng sa mga tauhan ng Barangay, sangkot ang dalawa sa ilegal na droga pero inaalam pa nila kung may kaugnayan dito ang motibo sa pamamaslang.
 
Inaalam din ng pulisya kung nakita sa CCTV camera amg pagtakas ng mga suspek.


Facebook Comments