Maglive-in Partner sa San Mateo Isabela, Arestado sa Kasong Carnapping!

San Mateo, Isabela – Naaresto ng mga otoridad kahapon ng umaga ang maglive-in partner matapos isinilbi ang warrant of arrest dahil sa kasong carnapping.

Tinaguriang top 2 most wanted person Municipal Level ang mga akusado na nahuli ng pinagsanib pwersa ng PNP San Mateo at Tagaytay Police Station sa Brgy. Maharlika West Tagaytay City.

Kinilala ang dalawa na sina Eliseo Lecanda Bayabado, apatnapu’t anim na taong gulang, tubong San Mateo, Isabela; Lerma Reyes Tagalan, apatnapu’t walong taong gulang, residente ng Roxas, Isabela at tubong Brgy.Maharlika West, Tagaytay City.


Ipinalabas ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City Isabela ang mandamiento de arresto ng mga akusado at walang nairekomendang piyansa sa kasong kinakaharap nina Bayabado at Tagalan.

Nasa himpilan na ng PNP San Mateo ang dalawa at nakatakda ngayong araw na iharap sa RTC Branch 40 ng Cauayan City, Isabela.

Facebook Comments