Hawak ngayon ng Makati Police Station Drug Enforcement Unit ang isang lolo kasama ang kaniyang dalawang apo na lalaki kabilang na itong isang menor de edad matapos maaresto kagabi sa Kalayaan Ave. kanto ng C5 Road sa Brgy. West Rembo Makati City.
Kinilala ang mga ito na sina Moda Mimbalawag, 60-anyos, Aslanie Mimbalawag at isang high school student na menor de edad.
Ayon sa report, galing pa ng Imus, Cavite ang mga suspek at nakipag transaksyon sa isang operatiba.
Nagkasundo ang mga ito sa Kalayaan Ave. bago mag elevated u turn na mag-aabutan ng pera at droga.
Matapos ang transaksyon, nasorpresa si Lolo Moda sa nakatransaksyong pulis poseur buyer.
Sa panayam kay Lolo Moda, nagpasama lang umano siya sa kaniyang dalawang apo dahil depensa niya, hindi niya alam ang napagkasunduang lugar sa babagsakan ng shabu na naka deal.
First time lang umano niya sa ganitong transaksyon ang mag-deliver ng illegal drugs.
Tubong Mindanao si lolo at ang dalawang apo at nakumpiska sa pag-iingat ni lolo moda ang nasa mahigit kumulang isang kilo ng umanoy shabu na nakasilid sa paper bag na may foreign character ang packaging.
Aabot sa 6 milyon 880 thousand pesos ang halaga ng shabu.
Kumpiskado rin ang isang Toyota Fortuner at cellphones na umanoy ginagamit sa transaksyon.
Mahaharap ang mga ito sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
Samantala, dahil minor ang isang suspek, itu-turn over ito ng mga operatiba sa pangangalaga ng DSWD.