MAGLULUNSAD | Proyekto na hihimok sa mga kabataan na makipagtulungan sa problema sa basura, ikinakasa ng DENR

Manila, Philippines – Maglulunsad ang DENR ng isang proyekto na may layuning bigyan ng pagkakakitaan ang mga kabataan at makatutulong pa na solusyunan ang pagdami ng mga basura sa Metro Manila.

Ayon kay Benny Antiporda, Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns, tatawagin ang proyekto na “Mga Batang Mag-iipon ng Basura” na hihimok sa mga kabataan na makipagtulungan din sa problema sa basura.

Sa naturang segregation project, ang mga bata ay mag-iipon ng mga basura na bibilhin ng mga junk shop, na dadalhin naman sa accredited recycling areas.


Magkakabaon na ang mga bata, makakatulong pa sila sa kalikasan, ani Antiporda.

Makakatuwang ng DENR sa proyekto ang mga eskwelahan at LGUs at hinihimok din ang mga nasa pribadong sektor na tumulong.

Facebook Comments