Magma ng bulkang Mayon, posibleng tumaas pa

Nagpaalala ngayon ang Phivolcs sa mga residenteng nasa paligid na bulkang mayos dahil sa patuloy na pagbubuga nito ng abo sa mga nakalipas na araw.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, posible pang tumaas ang magma dahil sa mainit na gas at bato na lumalabas sa bunganga ng bulkan.

Kahit humupa na ang inflation sa ibabang bahagi ng mayon, tuloy pa rin ang pamamaga ng itaas na bahagi nito.


Dahil dito, posible aniyang bumara ang gas sa bunganga ng bulkan na magdudulot ng mahihinang pagsabog.

Kasabay nito, nilinaw ng Phivolcs na wala itong direktang kinalaman sa el niño kaya walang dapat ikabahala ang publiko.

Facebook Comments