
Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Pasko at nagpaabot ng mensahe ng malasakit at pagbabahagi ngayong Kapaskuhan.
Sa kaniyang Christmas message, binati ng Pangulo ang lahat ng Pilipino sa paggunita sa kapanganakan ni Hesukristo, na aniya’y patuloy na nagsisilbing simbolo ng pag-asa, pagmamahal, at kabutihan sa kapwa.
Hangad ni Pangulong Marcos na maging masaya, payapa, at makabuluhan ang pagdiriwang ng Pasko ng bawat pamilya at komunidad sa buong bansa.
Nanawagan din ang Pangulo sa publiko na huwag kalimutan ang mga kababayang nangangailangan, partikular ang mga mahihirap, maysakit, at mga biktima ng kalamidad, at hinikayat ang lahat na magbahagi ng tulong sa abot ng kanilang makakaya.
Dalangin ng Pangulo na manaig ang pag-ibig, kabutihan, at pagkakaisa sa bawat tahanan at pamayanan—hindi lamang ngayong Pasko kundi maging sa mga susunod pang araw.









