Magna Carta for Daycare Workers, ipinamamadali na maipasa

Manila, Philippines – Umapela si Gabriela Rep. Arlene Brosas ng suporta sa panukalang Magna Carta for Daycare Workers bill.

Hiling ni Brosas na suportahan ito ng mga child rights advocate upang tuluyang maisabatas ang panukala.

Sa ngayon ay nakalusot na ang House Bill 6550 sa ikalawang pagbasa.


Sa ilalim ng panukala ay inaasahang mare-regular ang nasa 84,000 na mga daycare workers sa buong bansa dahil sa pagkakaroon ng dalawang plantilla position ng mga daycare workers sa mga barangay.

Entitled din ang mga daycare workers sa ilalim ng panukala na makatanggap ng Salary Grade 8 na sweldo at iba pang benepisyo tulad ng overtime pay, hazard allowance at subsistence allowance.

Otomatiko ding magiging myembro ang mga ito ng GSIS, PAGIBIG at Phil. Health.

Ang panukalang ito ay binuo bilang tugon sa mga kakulangan ng Early Childhood Care and Development Act o RA 6972 upang makatulong sa early years ng pag-unlad ng bata.

Facebook Comments