Pinaaamyendahan ni Senator Sherwin Gatchalian ang Magna Carta for Public School Teachers.
Ang amyenda na isusulong ng senador ay gagawing angkop sa kasalukuyang panahon dahil ang batas ay ginawa 57 taon na ang nakalipas.
Kabilang sa mga reporma na itutulak ng senador ang pagbibigay ng special hardship allowance sa mga mobile teachers, kabilang na ang mga Alternative Learning System (ALS) teachers.
Bibigyang proteksyon din ang mga guro mula sa mga “out-of-pocket expenses” at mga trabaho na walang kinalaman sa pagtuturo.
Isusulong din ni Gatchalian ang pagtataguyod sa karapatan ng mga guro at ang kanilang longevity pay.
Pinatitiyak din ng mambabatas na maipatutupad ang mga probisyong hindi pa naipatutupad hanggang ngayon tulad ng libreng annual physical examination, ang pag-akyat ng isang ranggo ng mga magreretiro na guro at ito ang pagbabatayan ng mga benepisyo ng retirement, at ang pagpopondo para sa implementasyon ng Magna Carta.