Magna carta for seafarers, lusot na sa pinal na pagbasa ng Senado

Mabilis na pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang Magna Carta for Seafarers o ang Senate Bill 2221 bago magsara kagabi ang sesyon ng Kongreso.

Sa naging botohan, lahat ng senador ay pabor, walang tumutol at wala ring nag-abstain.

Layon ng panukala na tugunan ang mga kakulangan sa batas ng bansa patungkol sa pagsasanay at accreditation ng mga seafarers na itinuturong dahilan kaya nanganib ang pagtatrabaho ng mga Filipino seafarers sa global maritime industry.


Una nang sinertipikahang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos ang nasabing panukala dahilan ng mabilis na pagkakaapruba rito ng Senado.

Nakahanay rin sa panukala ang mga karapatan, benepisyo, grievance system at reintegration program para sa mga seafarers.

Labis namang ikinatuwa ni Senator Raffy Tulfo, sponsor at mayakda ng panukala, ang panukalang batas na kanyang unang idinepensa at naaprubahan pa agad sa huling pagbasa.

Facebook Comments