Manila, Philippines – Inaprubahan sa huling pagbasa sa Kamara ang Magna Carta for the Poor.
Sa ilalim ng house bill no. 5811, ginagarantiya ang karapatan ng mga mahihirap sa pagkain, trabaho, pabahay, edukasyon, kalusugan at iba pang serbisyo.
Saklaw din nito ang pagbuo ng National Poverty Reduction Plan.
Kukunin naman ang pondo nito sa taunang budget ng DSWD, DOLE, DepEd, DOH at iba pang ahensya ng gobyerno.
Matatandaang vineto o ibinasura ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa isyu ng pondo.
Facebook Comments