Magna Carta for the poor, lusot na sa Senado

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang Magna Carta for poor na lilikha ng komprehensibong hakbang para pagaanin ang buhay ng pinakamahihirap na mga Pilipino.

Ayon kay Senator Sonny Angara, ito ang magpapalakas sa lahat ng programa at iba pang socioeconomic development strategies ng gobyerno laban sa kahirapan.

Sabi ni Senator Angara, sisiguraduhin ng panukala na may sapat na pagkain, disenteng trabaho, dekalidad na edukasyon, maayos na pabahay at kalusugan ang bawat pamilyang Pilipino.


Ayon kay Senate Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda, daan ang panukala para mapakinabangan ng mga mahihirap ang mga serbisyo ipinagkakaloob ng pamahalaan na pinondohan na sa ilalim ng General Appropriations Act.

dagdag pa ni Legarda, tinitiyak din ng panukala na nasusunod ang labor core standards para maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa.

Facebook Comments