
Titiyakin ni Senator Christopher “Bong” Go ang pag-apruba sa Magna Carta of Barangay Health Workers (BHWs) para sa mas maayos na benepisyo, pangangalaga sa karapatan at security of tenure ng mga BHWs.
Sa inihaing Senate Bill 412 ni Go, pinabibigyan ng buwanang honorarium para sa mga registered BHWs na hindi bababa sa P3,000 at P5,000 monthly honorarium naman sa mga certified BHWs.
Gayundin, tinitiyakin din ng panukala ang pagkakaloob ng transportation at subsistence allowance, hazard pay, insurance coverage at health emergency allowances tuwing mayroong national health emergencies.
Pinabibigyan din ang mga BHWs sa ilalim ng panukala ng cash gift tuwing Disyembre na katumbas ng isang buwang honorarium at one-time service recognition incentive para sa mga nagsilbi sa loob ng 15 taon.
Para naman sa professionalization ng mga BHWs, pinagtatakda ang DOH at mga LGUs ng Registration at Certification Standards para sa mga BHWs at kailangan din nilang sumailalim sa orientation at training bago bigyan ng certification kapag nakapagserbisyo na ng dalawang taon.
Ang Magna Carta for BHW’s ay pinagtibay noong 19th Congress subalit hindi ito naging batas dahil hindi na nagkaroon ng bicameral conference upang pagtugmain ang magkaibang bersyon ng Senado at Kamara.









