Magna Carta of the Poor, nilagdaan ni PRRD

Manila, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas na layong bigyan ang mga mahihirap ng access sa government services at hihikayatin ang pribadong sektor na mag-invest sa poverty alleviation programs.

Pinirmahan ng Pangulo nitong April 12 ang Republic Act 11291 o Magna Carta of the Poor.

Sa ilalim ng batas, inaatasan ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na tiyaking maibibigay sa mga mahihirap ang pangangailangan nito tulad ng pagkain, trabaho, edukasyon, pabahay at kalusugan.


Ang mga ahensyang tinutukoy ay: DOH, DSWD, DOLE, Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), DepEd CHED, TESDA at DA.

Ang DSWD, katuwang ang NEDA at National Anti-Poverty Commission (NAPC) ay tutukuyin ang mga kwalipikadong benepisyaryo.

Ang kita dapat ng mga benepisyaryo ag mababa sa poverty threshold na itinakda ng NEDA at ang mga hindi kayang punan ang kanilang pangangailangan, tulad ng pagkain, kalusugan, edukasyon, pabahay at iba pa.

Facebook Comments