Isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang “Magna Carta of Filipino Seafarers”.
Sa Senate Bill 1191 na inihain ni Go ay kinikilala rito ang karapatan at kontribusyon ng mga mandaragat ng bansa gayundin ang pagbibigay ng proteksyon sa mga ito sa kanilang trabaho.
Naniniwala si Go na napapanahon na para mag-apruba ang pamahalaan ng dagdag na batas na magbibigay ng benepisyo sa mga Filipino seafarer at ibigay sa mga ito ang karapatan salig sa Maritime Labor Convention standards.
Kabilang sa mga karapatang nakapaloob sa Magna Carta ang terms at conditions sa trabaho, karapatang makapag-organisa ng samahan, educational advancement at training, sapat na sahod, oras ng trabaho, work leaves at mga benepisyo.
Binibigyang mandato rin sa Magna Carta ang pagtiyak na ang mga nagmamay-ari ng barko ay mapagkakalooban ng medical care at financial security system ang ating mga seafarers sakaling maaksidente sa trabaho.
Tinukoy pa na ang Pilipinas ang pangunahing supplier ng maritime labor at ikinokonsidera na ‘manning capital of seafarers’ mula pa noong 1987.