Magnanakaw, arestado sa Maynila

*Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki na nakunan sa CCTV na tumangay sa cellphone ng isang estudyante Zafiro Street, Santa Ana, Maynila.*

*Pero kahit nahuli-cam siya, todo tanggi ang lalaki sa krimen nang maaresto.*

*Sa kuha ng CCTV, makikitang napaupo pa sa kalsada ang estudyante matapos hablutin ng isang lalaki ang kaniyang cellphone.*


*Ayon kay Juan Basarres, kagawad ng barangay 765 zone 3, sinuri ng estudyante ang kuha sa CCTV at doon natukoy ang pagkakakilanlan ng salarin na si Joven Vuloso.*
*Sa follow-up operation na isinagawa ng mga pulis, naaresto si Vuloso pero hindi na nabawi sa kaniya ang ninakaw na cellphone.*

*Itinanggi pa rin niya ang ginawang krimen kahit nakita siya sa CCTV.*
*Mahaharap ang suspek sa kasong robbery snatching in relation to R.A. 7610 o anti-child abuse dahil menor de edad ang biktima.*

Facebook Comments