Magnanakaw, binugbog ng taong-bayan

Manila, Philippines – Bago naaresto nakatikim muna ng gulpi mula sa taong-bayan ang isang holdaper na nahuling nagnanakaw sa Sampaloc Maynila.

Nakilala sa alyas Marlon ang suspek na aminado sa nagawang pagnanakaw.

Ayon kay Kagawad Rickie Andres ng brgy. 454 zone 45 Sampaloc, tinangkang kunin ng suspek ang cellphone at 2 bag ng dalawang magkasintahang estudyante.


Galing sa computer shop ang mga biktima ng lapitan ng suspek sa Lacson St. Corner España, Sampaloc Maynila.

Dito na ginawa ang pang hoholdap gamit ang 12 inch na patalim.

Lumaban naman ang boyfriend para ipagtanggol ang kasintahan pero nasugatan ito sa kaliwang hita at ilalim ng tyan.

Gayunman nakaagaw ng atensyon ang nasabing kaguluhan at ginulpi ng taong-bayan si alyas Marlon.

Sa tindi ng pananakit sa nahuling holdaper nabali pa ang isa sa darili nito.

Sinampahan ng kasong robbery holdup ang suspek.

Facebook Comments