Magnanakaw na kasambahay, arestado!

Manila, Philippines – Arestado ng QCPD- station 7 ang isang babaeng kasambahay dahil sa pagnanakaw ng mga alahas at gamit ng kaniyang amo.
Kinilala ang suspek na si Jonalyn Ramos na dalawang buwan pa lamang namamasukan bilang kasambahay ng among si Sharon Chua sa Barangay Horseshoe.
Kwento ng ni Sharon, ikinagulat na lamang niya na nawawala na ang mga mamahaling alahas kung kaya’t ini-review niya ang CCTV at dito na niya nakitang kinuha ito ng suspek.
Dahil dito, humingi ng tulong ang amo sa mg pulis kung saan ikinasa ang entrapment operation sa isang fast food chain sa Balagtas, Bulacan.
Dito na naaresto ang suspek at narekober ng mga otoridad ang mga ninakaw nitong gamit at alahas na dyamanteng engagement at wedding ring kasama na ang isa pang mamahaling relo.
Todo hingi din ito ng tawad at inamin na ginawa niya ang krimen dahil sa natukso lamang siya.
Kahit na humingi ng tawad ay desido pa din ang amo na ituloy ang kasong qualified theft laban sa suspek na kasamabahay.

Facebook Comments