Magnanakaw, pinasok ang bahay ng isang ginang para sa isang ‘sex toy’

Getty Images/ iStockphoto

Isang magnanakaw mula North Carolina ang sinasabing nagpuslit umano ng 12-inch sex toy sa bahay ng isang 38-anyos na ginang.

Nangyari raw ang insidente alas 7:30 ng gabi sa Southern Brunswick County, kung saan naninirahan ang babae sa kanyang 1,600 square-feet na bahay.

Ayon sa hindi nagpakilalang ginang, pinasok raw ang kanyang bahay at kasamang nakuha ng magnanakaw ang kanyang alahas, pera, make-up bag, isang Amazon Fire stick at ang naturang sex toy na nagkakahalaga umano ng 30 dolyar.


Umabot din sa 450 dolyar ang halaga ng ari-ariang nanakaw ng suspek.

Samantala, patuloy naman ang paghahanap sa suspek na inaalam rin kung isang lalaki o babae.

Haharap naman sa kasong larceny, breaking and entering ang suspek.

Facebook Comments