Magnanakaw ‘sinunggaban,’ ‘kinagat’ ng isang German Shepherd

3231
FROM FACEBOOK/ATCHE NA

Nabigo ang tangkang pagnanakaw sa isang bahay sa Naga City, Cebu dahil sa pagiging alerto ng isang aso.

Kuwento ng residenteng si Atche Na, Hulyo 31 ng umaga nang puwersahang sinira ng suspek ang lock ng bahay ng kaniyang kapatid upang isagawa ang panloloob. Pero hindi lingid sa kaalaman nito, nakaabang pala sa loob ang alagang German Shepherd na kinilalang si Scar.


Posible raw na sinunggaban at kinagat ni Scar ang sinasabing kawatan dahil sa mga nakitang dugo sa sahig.

Bumibili raw ng pagkain sa labas ang kapatid niya at asawa nito nang maganap ang insidente.

“Siguro may narinig siyang ingay at may naamoy na ‘di familiar sa kanya kaya ganiyan yung nangyari sa kawatan. Its not the Scar’s blood but its the thief’s blood. Scar is okay. Hes very okay. He’s done with his check ups and everything,” dagdag ni Atche Na.

Masuwerte pa aniya ang salarin dahil nasa kulungan ang iba pa nilang alagang aso.




Nanawagan din ng tulong sa publiko ang pamilya para sa agarang ikadarakip ng suspek.

Facebook Comments