MAGNETIC LIFTERS | PNP, nakipag-coordinate na sa Senado para isailalim sa kanilang custodiya si Jimmy Guban

Manila, Philippines – Nakipag-coordinate na ang Philippine National Police (PNP) sa Senado para isailalim sa kanilang kustodiya ang former executive ng Bureau of Customs (BOC) na isinasangkot sa smuggling ng shabu sa pamamagitan ng magnetic lifters.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – inatasan na niya ang pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na si Director Roel Obusan bilang pointman para sa kostudiya ni Jimmy Guban.

Si Guban ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Senado base na rin sa kautusan ng senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon.


Matatandaang mismo si Guban ang nagsiwalat ng mga pangalan ng mga dati at kasalukuyang pulis na tumulong sa kanya sa pagpasok ng ilegal na droga gamit ang magnetic lifters.

Facebook Comments