Magnificent 7, bumwelta kay Solicitor General Jose Calida

Manila, Philippines – Kinastigo ng Magnificent seven si Solicitor General Jose Calida dahil sa mga masasamang salitang binitawan nito laban sa grupo matapos na maghain ng petisyon sa Korte Suprema kontra sa martial law.

Bwelta ni Albay Rep. Edcel Lagman, lead petitioner sa pagkwestyon sa martial law, ipinapahiya ni Calida ang kanyang opisina nang tawaging mga panggulo at siraulo ang magnificent 7 na kinabibilangan nina Reps. Tom Villarin, Gary Alejano, Emmanuel Billones, Teddy Baguilat at Edgar Erice.

Ayon kay Lagman, basahin muna ni Calida ang 30-pahinang petisyon at pag-aralan muna ang kaso bago magsalita kung ano-ano.


Payo rin nito sa Solicitor General na tingnan ang congressional records ng mga petitioners para malaman nitong sila ang aktibong lumalahok sa mga debate sa mahahalagang lehislasyon.

Dagdag pa nito, may basehan ang kanilang petisyon na ibinatay sa mga factual basis at information.

DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments