Manila, Philippines – Kumambyo ang Magnificent 7 sa paghahain ng Motion for Reconsideration sa Supreme Court kaugnay sa naging pasya na katigan ang martial law declaration ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, matapos nilang basahin at pag-aralan ang majority decision kinakitaan nila ito ng mga serious errors.
Sinabi ni Lagman na hindi binigyang bigat ng Supreme Court ang itinatadhana ng Section 18 ng Article VII ng Constitution kung saan nakasaad na kapangyarihan nito na pag-aralan kung sapat ba ang factual basis para sa deklarasyon ng martial law at suspensyon ng privilege of the writ of the habeas corpus.
Sa naging desisyon ng mayorya ng mga mahistrado ng Supreme Court sinabi ni Lagman na ipinaubaya ng mga ito sa Pangulo ang pagdedeklara ng batas militar na hindi inaral ng husto.
Dagdag pa ni Lagman, lalamanin ng kanilang ihahaing, mosyon ang iba pang mga pagkakamali sa pasya ng SC sa martial law declaration ng pangulo.
Samantala, sa ibang balita, inirekomenda ng Pilipinas sa mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN sa ginanap na 13th Meeting ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly Fact Finding Committee o AIFOCOM tularan ang estratehiya ng bansa sa paglaban sa iligal na droga.
Sa pulong balitaan, sinabi ni House Dangerous Drugs Committee Chair Robert Ace Barbers, naging matagumpay sa bansa ang Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel kaya maaari itong gayahin ng mga Asean member countries.
Ayon naman kay AIFOCOM Sec. Gen. Isra Sunthornvut, pagaaralan nila ang mga ginamit na estratehiya ng Pilipinas sa paglaban sa iligal na droga.
Maaari nilang kunin ang mga epektibong paraan sa paglaban kontra sa droga pero may ilang paraan na maaring applicable sa bansa pero hindi naman epektibo sa ibang ASEAN countries.
Dinaluhan naman ang AIFOCOM ng mga mambabatas mula sa mga kasapi ng ASEAN.