Manila, Philippines – Umani ng pagtutol sa Magnificent 7 ang panukala ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na Philippine Legislative Police o sariling security para sa mga mambabatas.
Giit ni Albay Rep. Edcel Lagman, wala namang pangangailangan at walang clamor sa mga kongresista para sa hiwalay na police force para sa Kongreso.
Sinabi ni Lagman na bagamat may pribilehiyo ang mga mambabatas na humingi ng hanggang dalawang security, ni minsan ay hindi niya ito ginamit.
Nagbibigay lamang din ito ng “wrong signal” sa taumbayan lalo’t mataas ang kaso ng impunity sa bansa.
Sinabi naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano, dagdag gastos lamang ito para sa gobyerno dahil nagiging duplication lamang ito sa tungkulin ng mga pulis.
Dagdag naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin, hindi ito tama dahil mistula itong pagsusulong ng impunity kaya dapat na harangin at ayawan din ito ng taumbayan.