Magnitude 3.1 ng lindol, yumanig sa Governor Generoso, Davao Oriental ngayong umaga

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Governor Generoso, lalawigan ng Davao Oriental pasado alas-2:20 ng umaga.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa layong 142 kilometero silangan ng karagatan ng nasabing bayan ang episentro ng lindol.

May lalim ang lindol na 114 kilometers at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.


Wala namang inaasahang mga aftershock at wala ring naitalang nasugatan at nasirang mga ari-arian na dulot ng pagyanig.

Facebook Comments