Magnitude 3.4 na lindol, yumanig sa isang bayan sa Surigao Del Norte

Niyaning ng magnitude 3.4 na lindol ang Surigao City sa lalawigan ng Surigao del Norte pasado alas 3:59 kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol sa 12 kilometers silangang bahagi ng Surigao City.

May lalim ito na 24 kilometers at Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.


Naramdaman din ang Instrumental Intensity II sa naturang lungsod.

Wala namang inaasahang mga aftershocks dulot ng lindol at wala ring inilabas na tsunami alert ang PHIVOLCS ukol dito.

Sa ngayon, wala pang naitalang nasaktan at napinsalang mga ari-arian sa naturang lugar dahil sa nangyaring lindol.

Facebook Comments