Magnitude 4.3 na lindol, yumanig sa Davao Del Sur

Niyanig naman ng Magnitude 4.3 na lindol ang Davao Del Sur, alas 6:41 kagabi.

Batay sa PHIVOLCS, naitala ang epicenter ng lindol sa 26 Kilometers Northwest ng Davao City.

May lalim itong 3 Kilometers at tectonic ang dahilan.


Dahil dito, naitala ang intensity III sa Davao City habang Instrumental Intensity 1 naman sa Malungon, Sarangani.

Facebook Comments