Tumama kagabi ang magnitude 4.5 na lindol sa karagatang bahagi ng Calatagan, Batangas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol sa layong 20 kilometro hilagang kanluran ng Calatagan.
May lalim itong 89 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II – Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity I – Calapan City, Oriental Mindoro at Tagaytay City
Paglilinaw naman ng PHIVOLCS, walang inaasahang aftershock ang naturang pagyanig.
Facebook Comments