Niyanig kanina ng magnitude 4.7 na lindol ang Antique.
Batay sa monitoring ng PHILVOCS, namataan ang sentro ng pagyanig, 8 kilometers sa timog silangan ng San Jose, Antique.
Naitala ang pagyanig bandang 7:45 kanina na tectonic ang origin.
Bagaman at may lalim ito na 0.8 kilometers sa ilalim ng lupa, naramdaman ito sa Iloilo City na nakaranas ng intensity 3 na pagyanig.
Wala naman naitala na pinsala sa nangyaring lindol.
Facebook Comments