Magnitude 4.7 na lindol, yumanig sa San Jose, Dinagat Islands

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang San Jose sa Dinagat Islands.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang lindol kaninang alas-2:09 ng madaling-araw.

Ang sentro ng lindol ay naitala 14 kilometers hilagang-kanluran ng San Jose, Dinagat Islands.


May lalim itong 215 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity 2 sa Borongan City, Eastern Samar at Intensity 1 sa Catbalogan City, Samar.

Wala pa namang inaasahang pinsala at aftershocks ang nasabing pagyanig.

Facebook Comments