Magnitude 4.8 na lindol, naitala sa Bayan ng Bucay sa Abra

Patuloy na nakakaranas ngayon ng mga aftershocks sa magnitude 7.0 na lindol na tumama sa probinsya ng Abra noong July 27.

Ito ay matapos tumama kahapon ng hapon ang magnitude 4.8 na tremor sa Bayan ng Bucay sa Abra.

Base sa latest bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lokasyon ng lindol sa one kilometer ng sentro ng bayan ng Bucay at may lalim na 17 kilometers.


Kasabay nito, patuloy ang paalala ng PHIVOLCS sa publiko na maaaring makapagdulot ng pinsala ang mga aftershock particular sa Abra, Cordillera Administrative Region (CAR), ilang lugar sa Ilocos Region at Cagayan Valley.

Simula noong Agosto 7, mahigit 3,000 na ang naitalang aftershocks sa Abra kung saan naglalaro ito mula magnitude 1.4 hanggang magnitude 5.1.

Facebook Comments