Magnitude 5.0 na lindol, naramdaman sa Batanes

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Sabtang, Batanes, alas 10:53 kaninang umaga.

Naitala ang episentro ng lindol sa 57 kilometers Southeast ng Sabtang.

May lalim itong isang kilometro at tectonic ang origin.


Naramdaman ang Intensity V sa Sabtang; Intensity IV sa Uyugan, Ivana, Mahatao at Basco habang Intensity III sa Itbayat.

Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol pero nagbabala ang PHIVOLCS na posibleng makaranas ng aftershocks.

Facebook Comments