Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Looc, Occidental Mindoro kaninang hatinggabi.
May lalim ito na 74 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ng PHIVOLCS ang Intensity V sa Sablaya at Rizal, Occidental Mindoro habang Intensity IV sa Puerto Galera, San Jose at Paluan, Occidental Mindoro; Calapan at San Teodoro, Oriental Mindoro.
Intensity III naman sa lungsod ng Maynila, Las Piñas, Lipa City, Batangas City; Abra de Ilog at Lubang, Occidental Mindoro at Alfonso, Cavite.
Intensity II sa Quezon City, Pasig, Marikina, Makati, Valenzuela, Bacoor, Cavite at Looc, Occidental Mindoro at Intensity I sa General Trias, Cavite.
Naitala rin ang instrumental intensities sa iba pang bahagi ng
Occidental at Oriental Mindoro, Batangas, Cavite, Quezon Province, Rizal, Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales, at Metro Manila.
Walang inaasahang pinsala bunsod ng lindol pero posible ang aftershocks.